Humingi na ng paumanhin si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa mga nasaktan nito matapos ang kanyang biro sa confirmation hearing ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Ito ang tugon ni Sotto sa mga batikos na kanyang natanggap mula sa mga netizen matapos ungkatin ang personal na buhay ni Taguiwalo sa pagdinig ng committee on Labor, Employment and Social Welfare ng Commission on Appointments, kahapon.
Sa pagtanong ni Sotto kay Taguiwalo, inungkat ng Senador ang pagkakaroon ng dalawang anak ng kalihim subalit walang asawa o pagiging single parent.
Dahil dito, nagbiro si Tito Sen upang mapagaan ang interpelasyon ay sinabi nitong ang mga walang asawa pero may anak ay “na-ano lang” na isang salitang kalye.
Dagdag pa ni Sotto, siya na marahil ang huling tao sa bansa na mambabastos sa kababaihan dahil isa ang kanyang isa sa mga nagtatag ng women’s rights movement at President Emerita ng kababaihang Rizalista bukod pa sa pagkakaroon ng dalawang anak na babae na separada na mayroon ding anak.
By: Drew Nacino / Cely Bueno