Maghahain ng indefinite leave si Senate Majority Floorleader Vicente “Tito” Sotto III bilang chairman ng Ethics Committee.
Ito’y kapag nasimulan nang dinggin ang isinampang ethics complaint laban sa kanya ng walong kababaihan na mula sa ibat ibang women’s organization.
Ayon kay Sotto, ipauubaya na muna niya ang pamumuno sa ethics committee sa kanyang Vice Chairman na si Senador Panfilo Lacson.
Iginiit ni Sotto na nirerespeto niya ang naturang reklamo dahil bahagi ito ng umiiral na demokrasya at freedom of speech and expression.
Handa rin aniya niyang sagutin at harapin ang reklamo, sakaling madetermina na may hurisdiksyon dito ang ethics committee sa lengwahe ng isang parliamentarian.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno