Iprinesenta na ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ang kanyang karagdagang pruweba kaugnay sa kanyang alegasyon na nagkaroon ng iregularidad noong 2016 elections.
Sa kanyang privilege speech, isiniwalat ni Sotto ang last-minute installation ng apat na queuing servers na isang issue kaya’t nabahiran ng iregularidad ang resulta ng nasabing halalan.
Binatikos ng Senador ang Commission on Elections partikular ang spokesman nitong si Director James Jimenez na hindi umano kumbinsido sa kanyang isiniwalat.
Ipinaliwanag ni Sotto na noong nakaraang eleksyon ay mayroon lamang dalawang server ang gumagana at kinuwestyon kung bakit noon lamang May 10 hanggang 11 ininstall ang mga server ng SMARTMATIC.