Nagsisimula nang magsuspetsa si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa sunud-sunod na pagpapalabas ng mga International Rights Group ng kani-kanilang report laban sa Administrasyong Duterte sa umano’y paglabag nito sa karapatang pantao.
Sinabi ni Sotto na nagtataka siya kung bakit paulit-ulit na sinasabi ng Human Rights Watch at iba pang grupo na umabot na sa 7000 ang napatay sa police operations kontra iligal na droga gayung 2565 lamang ang naitalang datos.
Ayon sa senador, maaaring may motibo sa patuloy na paggiit na umabot na sa 7000 ang biktima ng drug war ng administrasyong Duterte.
By: Avee Devierte / Cely Bueno