Naniniwala si Senate Majority Leader Tito Sotto na walang nilalabag na batas si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa hinggil sa usapin ng propriety na pinalulutang ng Ombudsman.
Kaugnay ito sa usapin ng pagsama ng PNP Chief sa naging laban ng kaniyang kaibigang si Fighting Senator Manny Pacquiao kontra sa mehikanong si Jessie Vargas nuong isang linggo.
Ayon kay Sotto, batay sa kaniyang pagtatanung-tanong sa ilang legal luminaries, sinasabing walang nilabag na batas ng bansa ang PNP Chief, ngunit kung mayruon man, hindi pa rin ito saklaw ng Ombudsman.
Sinabi umano kay Sotto ng isang judge na kaniyang napagtanungan, kung krimen mang maituturing ang pagtanggap ni General Bato sa imbitasyon ni Pacman, hindi pa rin ito dapat parusahan dahil sa nangyari ang umano’y krimen sa Amerika at hindi sa Pilipinas.
By: Jaymark Dagala