Pinaburan ni Sen. Tito Sotto ang naging pahayag ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa United Nations general assembly hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.
Ayon kay Sotto, usaping panloob ang problema sa droga kaya’t hindi ito dapat pakialaman ng ibang bansa.
Kabilang si Sotto sa mga naniniwalang malayo na ang narating ng kampanya ng pamahalaan kontra droga.
By: Katrina Valle / Cely Bueno