Pormal nang sinampahan ng Ethics Complaint sa mataas na kapulungan si Senador Vicente “tito” Sotto III.
Ito’y may kaugnayan sa kontrobersyal na pahayag ni Sotto patungkol sa mga single mother sa kasagsagan ng confirmation hearing ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo noong nakaraang linggo.
Sa apat na pahinang reklamo, hiniling ng iba’t ibang women’s rights group sa Senate Committee on Ethics and decorum na patawan ng sanction si Sotto dahil ginawa nitong pang-iinsulto sa solo parent
Ang ethics complaint laban kay Sotto ay isinampa sa pangunguna nina Jean Enriquez ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific at the World March of Women (WMW)-Pilipinas, Clarissa Militante ng WMW, Amparo Miciano Sykioco ng Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan, Judith Pamela Afan Pasimio ng the Purple Action for Indigenous Womens’ Rights, Judy Ann Chan Miranda ng Partido ng Manggagawa, Ana Maria Nemenzo ng Woman Health Philippines, Josua Mata ng Sentro ng Manggagawa ng Pilipinas, at isang nagngangalang Myrna Hernandez Jimenez.
By: Meann Tanbio