Target muli ni Senate Majority Floor Leader Vicente “tito” Sotto III na maging perfect ang kanyang attendance ngayong Second Regular Session ng 17th Congress.
Matatandaang sa first regular session, sina Sotto at Senador Panfilo Lacson ang nakapagtala ng perfect attendance sa loob ng 89 session days mula Hulyo 2016 hanggang noong Mayo ng nakalipas na taon.
Bagamat perfect attendance din sina Senador Gringo Honasan at Risa Hontiveros, may isang beses na late, habang si Senador Juan Miguel Zubiri ay mayroong 19 na late.
Nakapagtala naman ng pinakamaraming absences si dating senador ngayo’y Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano dahil 31 session days lang ito nakadalo at karaniwan pang late.
Kadalasang nasa official mission si Cayetano kung saan mayroon itong 34 local at 17 foreign trips.
- Meann Tanbio | Story from Cely Bueno