Tinutulan ni Senate President Tito Sotto ang panukala ng ilang senador na imbestigahan sa Senado ang mga nangyaring pagpatay sa mga pari.
Katwiran ni Sotto, hindi niya alam kung anong batas ang dapat nilang likhain sa magkakahiwalay na insidente ng pagpatay sa mga paring sina Marcelito Paez, Mark Ventura at Richmon Nilo.
Dito binigyang diin ni Sotto na dapat ipaubaya na lamang sa mga pulis ang pagresolba sa naturang mga kaso.
Una rito, hiniling ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado na silipin ang mga nangyayaring pagpatay sa mga pari habang nagpahayag din si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chair Panfilo Lacson ng kahandaan na magsagawa ng pagdinig ukol dito.