Nasa hot seat ngayon ang dalawang beteranong komedyanteng sina Senador Tito Sotto at Joey de Leon.
Ito’y matapos umani ng batikos ang Halloween costume ng 2 sa kanilang noontime show na Eat Bulaga
Ayon kay Autonomous Region of Muslim Mindano Gov. Mujiv Hataman, labis silang nasaktan dahil sa ginawang katawa-tawa umano ang iniingatang kasuotan ng mga Muslim na inihalintulad sa mga zombies.
Dahil dito, hiningan ni Hataman ng public apology sina Tito Sen at Joey dahil sa ginawa nitong pambabastos sa mga Muslim.
By: Jaymark Dagala