Bukas si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na maging susunod na Senate President sakaling gustuhin aniya ito ng mayorya.
Ayon kay Sotto, minsan na aniya nilang napag-usapan ang posibleng pagpapalit ng liderato ng Senado oras na maghain nang Certificate of Candidacy ang re-eleksyunista sa Senado kabilang si Senate President Koko Pimentel.
Sa nasabing pag-uusap, lumabas umanong si Sotto ang napupusuan ng mayorya ng mga senador na pumalit kay Pimentel.
Gayunman, paliwanag ni Sotto, dadaan pa sa konsultasyon ang posibleng pagpapalit sa liderato ng Senado.