Inalmahan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ang pahayag ng Population Commission na maaring umabot sa 106 bilyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon, dahil sa pagpigil sa Reproductive Health Law.
Sinabi ni Sotto na hindi ang buong batas ang hinarang ng korte, kundi ang paggamit lamang ng abortificants na maaring mag promote ng abortion.
Binigyang diin ni Sotto na walang masama sa paglaki ng populasyon ng bansa, lalo na kung marami naman ang magbabalik sa mga probinsya at kapag naipatupad na ang Pederalismo.
By: Katrina Valle / Cely Bueno