Naghain ng supplemental complaint sa ICC o International Criminal Court sina Senador Antonio Trillanes IV at Congressman Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Personal na isinumite ng dalawang mambabatas sa The Hague, Netherlands ang 46-pahinang supplemental complaint kung saan kanilang iginiit na tuloy pa rin ang nagaganap na pagpatay o mass murder sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Nakasaad sa supplemental petition na mismong ang pamahalaan ay umaamin sa nangyayaring pagpatay patunay dito ang mga inilalabas na istatistika ng gobyerno.
Sa nasabi pa ring supplemental complaint, hinihiling nina Trillanes at Alejano na imbestigahan ng ICC ang nagaganap na pagpatay sa bansa na itinuturing na crimes against humanity na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC.
By Meann Tanbio
Supplemental complaint laban sa Pangulo inihain sa ICC was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882