Nagkainitan sa Senado sina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Manny Pacquiao
Ito’y makaraang ipagtanggol ni Trillanes sa kanyang privilege speech ang testimonya ni dating SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Partikular na binigyang-diin ni Trillanes ang ilan umanong mga Senador na nagmamagaling sa isyu ng “spiritual renewal” na nauna nang sinabi ni Lascañas na dahilan kung bakit niya binbaliktad ang kanyang mga naunang pahayag kaugnay sa Davao Death Squad.
Inakala ni Pacquiao na siya ang pinatutungkulan ni Trillanes bagay na itinanggi naman ng mambabatas.
Agad namang humingi ng paumanhin si Trillanes kay Pacquiao kasunod ng pagsasabing hindi lang naman ito ang nagsabi ng ilang mga pahayag ukol sa spiritual renewal.
Pinagsabihan din ni Pacquiao si Trillanes na huwag niyang bigyan ng masamang pangalan ang Senado dahil sa kanyang mga pahayag.
By: Meann Tanbio