Hindi pa umano batid ni Senador Antonio Trillanes na magnanakaw at pumapatay ang Pangulong Rodrigo Duterte kayat nilapitan niya ito nuong tumakbo siya sa 2016 Vice Presidential race.
Binigyang diin ito ni Trillanes bilang tugon sa aniya’y panunumbat ni Davao City Mayor Sara Duterte na ipinost nito sa kaniyang Facebook account.
Subalit sinabi ni Trillanes na iba na ngayon ang sitwasyon dahil batid na niya ang katotohanan sa pagkatao ng Pangulo.
Ikinalungkot naman ni Senador Francis Pangilinan ang naging batikos at panunumbat sa kaniya ni Mayor Sara.
Ayon kay Pangilinan marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa kaniya sa kampanya subalit ang tungkulin aniya sa bayan at sa kapwa Pilipino ay mas matimbang sa anumang pagkakaibigan.
May hangganan din aniya ang pagtanaw ng utang na loob.
inihayag pa ni Pangilinan na mas madali at may pakinabang sa nag a ambisyon ang tumahimik na lamang at sumama sa agos tulad ng mga miyembro nila sa Liberal Party na lumipat sa PDP laban dahil sa ambisyon at sa pulitika.