Pinatutsadahan ni Senate President Koko Pimentel si Senador Antonio Trillanes IV makaraang mapabalita ang pagtungo nito sa Amerika para makipagkita kay US Senator Marco Rubio.
Kinuwesyon ni Pimentel ang nasabing hakbang ni Trillanes na naglalayon aniyang pigilan si US President Donald Trump na magtungo rito sa Pilipinas para dumalo sa ASEAN Summit sa susunod na buwan.
Ayon pa kay Pimentel, nagtataka siya kung bahagi na rin ba ng pulitika ng Amerika si Trillanes dahil wala naman aniyang may hangad na siraan ang sariling bayan sa harap ng ibang bansa.
Kasalukuyang nasa Russia si Pimentel at sunod namang tutulak patungong Great Britain kasama ang ilang Senador upang mapalakas at mapalawak pa ang relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa sa mundo.