Binalikan ni Senador Antonio Trillanes IV ang isyu ng umano’y tinatagong Dalawang Bilyong Piso ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman, aniya, nasagot ito noong una niyang inilabas.
Sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni Trillanes na mas mahalagang sagutin ito ni Pangulong Duterte dahil obligado siyang maging bukas sa publiko.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes sa BNSP ng DWIZ
Sa taguri namang “Kuryente King,” kumpyansa si Trillanes na hindi pa siya nagkakamali sa kanyang pinanindigan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes sa BNSP ng DWIZ
Samantala, ipinagkibit-balikat lamang ni Trillanes ang parunggit sa kanya na wala na siyang career kaya niya muling binuhay ang umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes sa BNSP ng DWIZ
By: Avee Devierte