Desidido si Senador Antonio Trillianes na sampahan ng Ethics Complaint si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon dahil sa hindi umano patas na paghawak nito sa imbestigasyon sa mga issue kaya’t nalalagay sa alanganin nag pagiging independent ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Bukod dito, ipaghaharap din umano ni Trillianes si Gordon ng kasong plunder kaugnay sa sinasabing maling paggamit ng pondo para sa Philippine National Red Cross.
Gayunman, hindi ito idinetalye ni Trillianes dahil inaayos pa ng kanyang mga abogado ang sinasabing mga kaso.