Determinado si Senador Antonio Trillanes na harangin ang isinusulong ng administrasyong Duterte na Charter Change o Cha-cha patungo sa pederalismo at pagbabalik ng parusang kamatayan.
Ayon kay Trillanes, hindi siya pabor sa pagbabago ng konstitusyon patungo sa pederalismo dahil tiyak ang intensyon nito ay palawigin ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang masasabi ko, sila desididong isagasa ito at ituloy ‘yang federalism na ‘yan.
Ang pakay nito ay para manatili sa puwesto.
Ako naman, sinasabi ko, gagawin ko ang lahat para mapigilan ‘yung mga ganitong mga plano.
Sa isyu naman ng death penalty, iginiit ng Senador na hindi na kailangang ibalik ang parusang kamatayan dahil may kultura na ng pagpatay sa bansa kung saan sinesentensyahan ng kamatayan ang marami nating kababayan nang hindi dumaraan sa hukuman kaya’t haharangin din niya ito.
Death penalty… pwede nilang subukan.
Kokontrahin ko talaga ‘yan, hindi natin kailangan ng death penalty.
Meron namang cultural death dito sa Pilipinas, sinisentensyahan na nga nila ‘yung mga Pilipino na ‘di dumadaan sa Korte.