Idinipensa ng Senate Minority Bloc si Senador Antonio Trillanes sa gitna na rin nang kakaharaping ethics complaint mula kay Senador Richard Gordon.
Nagkakaisang inihayag nina Senador Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Leila De Lima na haharangin nila ang anumang pagtatangkang patahimikin ang oposisyon.
Binigyang diin ng opposition senators na suportado nila si Trillanes sa layunin nitong ilabas ang katotohanan at labanan ang mga pagkilos para hindi makapagsalita ang oposisyon.
Tinatanong anila ang mga kapwa senador sa mayorya kung ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Trillanes ay paraan nang pagha-harass at pag-intimidate rito.