Duda si Senador Antonio Trillanes the Fourth sa tunay na motibo ng pamahalaan kaugnay sa desisyon nito na pagpapasara sa isla ng Boracay para sa isasagawang rehabiitasyon o pagsasaayos dito.
Hinala ni Trillanes, paraan ito ng gobyerno para malayang maipasok sa isla ang mga heavy equipment at materyales na gagamitin sa pagtatayo ng casino.
Giit ni Trillanes , Disyembre lamang nuong nakaraang taon nang makipagpulong sa Malakanyang ang mga nais magtayo ng casino at makalipas lamang ang isang buwan ay agad na nabigyan ng permit ang mga ito.
Kaugnay nito, pinag iisipan din ni Trillanes na maghain ng resolusyon para pa-imbestigahan sa Senado ang tunay na motibo ng Boracay closure.