Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na mapatatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte oras na sumampa sa Senado ang impeachment complaint laban sa Presidente.
Sinabi ni Trillanes, limang Senador lang sa ngayon ang marubdob na sumusuporta sa Pangulo.
Hindi dapat, aniya, maniwala si Pangulong Duterte sa ipinakikitang katapatan sa kanya ng mga Senador dahil pinasasakay lamang siya ng ilan sa mga ito.
Dagdag pa ni Trillanes, may ilang senador na napipilitan lang na sumama kapag nag-iimbita si Pangulong Duterte na maghapunan sa Palasyo ngunit hindi ibig sabihin nito na lubusan nilang sinasang-ayunan ang Pangulo.
Ayon pa kay Trillanes, maraming hindi alam ang publiko sa mga nangyayari sa Kamara at Senado kaya walang nakasisiguro sa magiging posisyon ng mga mambabatas sa impeachment complaint laban sa Pangulo.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen.Antonio Trillanes IV
By: Avee Devierte / Cely Bueno