Ipauubaya na lamang ni Senador Antonio Trillanes IV kay Senador Chiz Escudero ang pagiging Minority Leader.
Inihayag ito ni Trillanes makaraang magpasya silang dalawa na huwag nang sumama sa nabuong Super Majority Coalition at sa halip ay mag-Minority sa Senado.
Para maging Minority Leader si Escudero, kailangang may mag-nominate sa kanya sa Senate Presidency.
Ito’y dahil ang natatalo sa pagka-Senate President ang automatikong nagiging Minority Floor leader.
Kaugnay nito, sinabi ni Escudero na mayroon pang Pitong linggo bago magbukas ang 17th Congress kaya’t marami pa ang posibleng mangyari.
By: Meann Tanbio