Naghain ng ethics complaint si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Batay sa inihaing reklamo ni Faeldon, sinabi nito na malisyoso, mapanira at kasinungalingan ang mga paratang ni Traillanes laban sa kaniya kaugnay sa mahigit anim na bilyong Pisong shabu shipment sa Aduana.
Ito ang dahilan ayon kay Faeldon kaya’t iginiit nito ang expulsion o pagsipa kay Trillanes bilang halal na Senador ng bayan dahil sa anito’y unparliamentary o hindi akmang asal nito.
Sa panig naman ni Trillanes, sinabi nitong handa niyang harapin ang reklamong inihain laban sa kaniya ni Faeldon sabay paggigiit na wala siyang ginagawang masama laban sa kaninuman.
Gayunman, nanindigan si Trillanes na si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ang siyang utak ng anomalya sa Aduana at isa sa mga nakinabang dito si Faeldon.
—-