Tinawag ng Malakanyang na “Walking Robotical Nonsense” at simbolo ng kasinungalingan sa bansa si Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, isa na namang kabalbalan ang ginawa ng Senador sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersiya sa Bureau of Customs.
Ito’y matapos magtahi anya ng malisyosong propaganda si Trillanes laban kina Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Panelo, gumawa na naman ng sariling dokumento si Trillanes laban kina Vice Mayor Pulong at Carpio kaugnay sa umano’y mga bank account ng mga ito pero hindi naman masabi kung saang bangko ito kinuha.
Mayroon aniyang umiiral na bank secrecy law at kung nakuha ng mambabatas ang mga dokumento nang walang pahintulot ay mayroon siyang pananagutan sa batas.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
SMW: RPE