Lalong umiinit ang word war sa pagitan nila SolGen o Solicitor General Jose Calida at Senador Antonio Trillanes IV.
Ito’y makaraang ibunyag ni Calida na itinigil na ng Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay sa inihaing reklamo ni Trillanes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga umano’y tagong yaman nito.
Ayon kay Calida, maituturing lamang na isang uri ng pagsasayang ng oras at panahon kung bubuhayin pa muli ng Ombudsman ang pag-iimbestiga sa reklamo ng Senado.
Kasunod nito, pinayuhan naman ni Trillanes si Calida na paghandaan na lamang ang kanilang depensa kay Pangulong Duterte sa harap ng ICC o International Criminal Court.
Pero sagot ni Calida, tila mas kinakabahan ngayon ang Senador dahil sa nabigo nitong patunayan ang kaniyang mga alegasyon laban sa Pangulo.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio