Hindi kumbinsido si Senator Antono Trillianes sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot na lang sa halos 600,000 Piso ang pera nito sa bangko.
Nanindigan si Trillianes na nasa Dalawang Bilyong Piso ang bank deposit ng Pangulo kaya’t muli niya itong hinamon na pumirma sa isang waiver.
Kinuwestyon din ng Senador kung pinal na ba ang bagong kwento ni Pangulong Duterte hinggil sa kanyang yaman.
Ito’y dahil noong kampanya ay ipina-ngalandakan nito na simpleng tao lang siya pero ngayon ay sinasabi nito na estudyante pa lang ay mayroon na siyang milyun-milyong Piso sa bangko.
Ulat ni Cely Bueno
SMW: RPE