Tiyak na mahihirapan at mamomroblema si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kung ano ang kaniyang gagawin kay Bureau of Customs o BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito’y makaraang idiin ni Senador Antonio Trillanes IV na si Faeldon ang siyang puno’t dulo aniya ng kontrobersyal na pagpasok ng mahigit 6 bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa mula China.
Giit ni Trillanes, hindi maglalakas ng loob ang mga drug lord na siyang nasa likod ng shipment kung hindi ito nakatitiyak na maayos na makalulusot sa Aduana.
Giit ni Trillanes, tanging si Faeldon lamang bilang pinuno ng Bureau of Customs ang siyang nakaaalam sa mga pangyayari sa kanyang tanggapan kaya’t siya lamang din ang dapat managot dito.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Cely Bueno)