Nakauwi na ngayon sa kanilang bahay sa Antipolo city si Senator Antonio Trillanes.
Ito ay makaraang ipagpaliban ng Makati Regional Trial Court branch 148 ang pagdedesisyon sa hirit ng DOJ na mag isyu ng warrant of arrest laban sa kanya sa halip ay nag-iskedyul pa ng hearing sa October 5.
Pasado alas diyes ng umaga nang umalis ng Senado si Sen. Trillanes para umuwi na muna sa kanyang pamilya.
Itinuturing ni Trillanes na pansamantalang tagumpay ang hindi muna pagpapasya ng Makati Regional Trial Court branch 48 sa hirit na alias warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya.
Si Trillanes ay nagsimulang manatili sa Senado simula noong September 4 makaraang pawalang bisa ng pangulobg duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Samantala, inihayag din ng senador na magbabalik na siya sa trabaho sa Lunes, October 1 at sinigurong iimbestigahan ang umano’y mga anomalya sa negosyo nina Solicitor General Jose Calida, Special Assistant to the President Bong Go at ng Pangulo mismo.
TINGNAN:
Sen. Trillanes, naghahanda na para sa pag-uwi nito upang makasama ang kanyang pamilya makaraang ipagpaliban ng Makati-RTC ang pagdedesisyon sa hirit ng DOJ na mag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya. | via @blcb pic.twitter.com/BlDgAFvFjw— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 29, 2018