Nagtataka si Senador Antonio Trillanes sa timing ng paglalabas ng warrant of arrest laban sa nagpakilalang dating miyembro umano ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato
Ito’y dahil sa kabiguan umanong dumalo ni Matobato sa pagbasa sa kaniya ng sakdal dahil sa kasong iligal na pag-iingat ng armas
Giit ni Trillanes nakapaglagak ng piyansa sa nasabing kaso si Matobato at nagsumite pa ang kampo nito ng motion for reconsideration upang makansela ang pagpapalabas ng warrant
Dahil dito, may panawagan si Trillanes sa pambansang pulisya na magsisilbi ng warrant kay Matobato
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno