Tinawag na praning ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos akusahan ni Pangulong Duterte si Trillanes at maging sina Vice President Leni Robredo at Senador Leila De Lima na siyang nasa likod ng destabilization plot laban sa kanya.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trillanes na walang katotohanan ang naturang alegasyon.
Iginit ni Trillanes na walang kinalaman sina Robredo at De Lima sa isinampa niyang plunder case sa Ombudsman laban sa Pangulo.
PAKINGGAN: Si Senador Antonio Trillanes IV sa panayam ng DWIZ
By Meann Tanbio |IZ Balita (Interview)