Panahon na para bigyan ng leksiyon at disiplinahin ng Senado si Senator Antonio Trillanes.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo matapos ihain ni Senador Richard Godron ang reklamo laban sa kapwa Senador sa ethics committee.
Ayon kay Panelo, matagal ng hinihintay ng taumbayan na madisiplina si Trillanes dahil sa magaspang na asal nito lalo na sa mga ginagawang imbestigasyon “in aid of legislation.”
Hindi anya kailangan ang katulad ni Trillanes sa Senado dahil ipinapahiya nito ang institusyon at hindi rin puwedeng puro bastusan sa loob ng Senado at ang mga ginagawang pagbibintang o paninira sa mga hindi nito kaalyado kaya’t marapat lamang na mawala na ang Senador sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Matatandaang nagkainitan sina Gordon at Trillanes noong nakalipas na linggo dahil sa paggigiit nito na paharapin sa Senado sina Davao City Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Manases Carpio kaugnay sa 6.4 billion peso shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
SMW: RPE