Pipirmahan bukas ni Senator Antonio Trillanes ang waiver para pabuksan ang mga bank account na inuugnay sa kanya ng mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo DUTERTE.
Ayon sa Senador, iimbitahan niya pa ang media oras na buksan ng AMLC o Anti Money Laundering Council at Ombdusman ang mga nasabing bank accounts.
Hinamon din nito ang Pangulong Duterte at si Vice Mayor Pulong Duterte na pumirma rin ng waiver para mabuksan ang kanilang mga bank accounts.
Mariin ding itinanggi ni Trillanes ang akusasyon ng Pangulo na mayroon siyang mga offshore bank accounts.