Nakipagsanib-puwersa na umano ang mga komunistang grupo sa mga tinawag niyang ‘dilawan’ o mga kaalyado ng nakalipas na administrasyon.
Ito ang ibinuyag ng Pangulo sa harap na rin ng sunud-sunod na pag-atake sa kaniya ng mga kritiko hinggil sa kaniyang mga umano’y tagong yaman.
Binigyang diin ng Pangulo na tila nagamit lamang ni Senador Antonio Trillanes IV ang Ombudsman at ang Chief Justice ng Korte Suprema kaya’t ito aniya ang dapat sisihin sa nangyayaring gulo sa pulitika sa Pilipinas.
Sagot naman ni Trillanes, inililihis lamang ng Pangulo ang usapin.
(Ulat ni Cely Ortega-Bueno)