Nakatakdang sampahan ng kasong plunder ni Senador Antonio Trillanes sina Dating Tourism Secretary Wanda Teo, mga kapatid nitong sina Ben at Erwin Tulfo at iba pang sangkot sa kontrobersyal na 120 million pesos advertisement deal ng DOT sa PTV-4.
Kasunod ito ng pagharap ng magkakapatid na Tulfo sa pagdinig ng Senado nuong Martes.
Ayon kay Trillanes, malinaw na lahat ng elemento ng krimen na plunder ay ginawa ng magkakapatid na Tulfo kasama ang ilang opisyal ng DOT at PTV-4.
Hindi aniya sya kumbinsido sa alibi ni Teo na hindi nito alam na kay Ben ang programang kilos pronto na pinaglagyan ng pinakamalaking bahagi ng naging commercial contract.
Sabit din aniya si Erwin dahil sa naging pag amin nito na nakinabang siya sa naging transaksyon dahil kumita siya bilang host ng programa ng 150 thousand pesos kada episode o mahigit tatlong milyong piso kada buwan.