Kumbinsido ang Malacañang na pinagbabalingan lamang ni Senador Antonio Trillanes sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.
Ito, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay makaraang mabigo si Trillanes na sirain ang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gigil na anya ang senador sa pamilya Duterte kaya’t ang anak ng Pangulo at manugang nito ang inaatake.
Idinagdag din ni Panelo na tama lamang na ireklamo ang Senador sa Ethics Committee na dapat ay noon pa ginawa ng mga kapwa mambabatas dahil sinisira nito ang reputasyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso bilang respetadong institusyon.
By Drew Nacino / Aileen Taliping
SMW: RPE