Pinakikilos na ng senado ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mga produktong hindi ligtas para sa kalusugan ng mga konsyumer.
Nag-ugat ito sa pagsita ni Senator Raffy Tulfo sa mga manufacturer ng cup noodles at sardinas na may mataas na sodium content.
Ayon kay Tulfo, hindi niya ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga nabanggit na produkto bagkus nais lamang niyang umaksyon ang DTI.
Nasa 1.2 million Pilipino kada taon anya ang nagkakasakit sa kidney o bato dahil sa pagkonsumo ng maalat na produkto. —sa panulat ni Jenn Patrolla