Tiwala si Senador Joel Villanueva na mapapawalang sala si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kasong isinampa laban dito kaugnay ng pagkasawi ng 44 na mga SAF Commandos sa Maguindanao noong 2015.
Ayon kay Villanueva, naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan sa nangyaring operasyon at mababasura ang kaso laban sa dating Pangulo.
Matatandaang si Villanueva at dating pinuno ng TESDA noong panahon ng Aquino Administration.
By: Krista de Dios
Sen. Villanueva tiwalang mapapawalang sala si dating Pangulong Noynoy was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882