Umaasa si Senate Committee on Labor and Employment Chairman Joel Villanueva na sesertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong wakasan na ang kontraktiwalisayon sa bansa.
Ayon kay Villanueva, posibleng mahirapang makapasa sa senado ang Senate Bill 116 o End to Endo Bill sakaling tuluyan nang hindi magpalabas ng executive order ang pangulo o hindit ito sertipikahan bilang urgent.
Sinabi ni Villanueva, posibleng walang katapusang debati lamang aniya ang mangyari kung walang E.O na naglalaman ng polisiya ng administrasyon ukol endo.
Target naman ni Villanueva na maipresenta na sa plenaryo ang committee report ukol sa endo sa pagbabalik ng sesyon ng senado sa Mayo 15.
(With report from Cely Ortega- Bueno)