Kumpiyansa si Senador Cynthia Villar na siya ang uupo bilang Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.
Ito’y sakaling pormal nang iwan ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagiging mambabatas matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng DFA.
Ayon kay Villar, naging tradisyon na sa Senado na kung wala ang Chairman ng komite, ang tatayo para manguna ay ang Vice Chairman upang isulong pa rin ang mga legislative issues ng DFA.
Inaasahan aniya niya, na siya ang papalit kay Cayetano sa iiwang committee chairmanship
By: Meann Tanbio