Isinusulong ni Senate Majority Floorleader Juan Miguel Zubiri ang tatlong buwang extension ng Bayanihan to Heal as One Act (BAHO).
Nakasaad sa Senate Bill 1546 ang pagpapadeklara nang pagpapatuloy ng pag iral ng national emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa
Binigyang diin ni Zubiri na kailangang mapalawig ang nabanggit na batas para magamit sa mga programang pantulong sa vulnerable groups at mga indibidwal, mapalawak ang kakayahan ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 at mapondohan ang mga emergency initiative upang manatiling nakatayo ang ekonomiya.
Sinabi ni Zubiri na malayo pang matapos ang extra ordinary situation na kinakaharap ng bansa at nananatili ang banta sa buhay at kabuhayan kayat kailangan pa ng gobyerno ng kaukulang kapangyarihan at pondo para tumugon dito.
Una nang tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na bago mag-adjourn ang sesyon sa susunod na linggo may ipapasa silang batas na magpapalawig sa Bayanihan Law. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)