Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang mangyayaring pang-aabuso sa kapangyarihan sakaling matuloy ang planong pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national emergency.
Ayon kay Zubiri, maigting na babantayan ng Senado ang bawat hakbang ng administrasyon lalo na kapag natuloy na ang pagbabagong pinaplano ni Pangulong Duterte.
Sinabi din ni Zubiri na wala siyang nakikitang masama sakaling ipatupad ang state of national emergency.
Gayunman, sinabi ni Zubiri na malayong mauwi sa deklarasyon ng martial law ang planong pagpapatupad ng state of emergency ng Pangulo bagkus isa lamang umano ito sa nakikitang solusyon ng Punong Ehekutibo para matuldukan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng krimen sa bansa.
—-