Aalamin ng senado kung nais pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng emergency powers upang maresolba ang problema ng trapiko sa bansa.
Ito’y ayon kay Senate President Koko Pimentel makaraang makakuha sila ng halu-halong hudyat mula sa Malacañang kung itutuloy o hindi ang nasabing hakbang.
Una nang iginiit ni Senate Committee on Public Services Vice Chairman JV Ejercito na kailangan ang emergency powers para sa Pangulo upang magtagumpay ang Build, Build, Build Program ng pamahalaan sa imprastraktura.
Ngunit sinabi naman ni Senadora Grace Poe, Chairman ng komite na tila iba ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin niya mismo ito kung saan, sinabihan silang magtiwala na lamang kay Transportation Secretary Art Tugade.
By Jaymark Dagala
Senado aalamin kung itutuloy pa ang emergency powers was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882