Balik-sesyon na ang Senado at Kamara upang bigyang daan ang pagbibilang ng mga boto sa pagka-presidente at bise presidente.
Alinsunod sa 1987 constitution, magsasagawa ng joint session ang dalawang kapulungan ng kongreso sa House Plenary Hall upang mag-Convene bilang National Board of Canvassers na magbibilang ng boto para sa mananalong presidente at bise-presidente.
Ayon kay House speaker Lord Allan Velasco, inaasahang sisimulan bukas ang canvassing ng mga boto.
Gayunman, kung maglalabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema matapos ang petisyon ng grupo ni Fr. Christian Buenafe na humihiling na pigilan ang kongreso na mag-Convene at bilangin ang boto ni BBM.
Una nang sinabi ni House secretary General Mark Llandro Mendoza na magsisimula sa Mayo 24 ang canvassing, alas-2 ng hapon na tatagal hanggang alas-10 na gabi sa Mayo 27.
Samantala, posibleng sa Biyernes o Sabado, Mayo 28 iproklama ang mananalo sa pambansang posisyon bago mag-adjourn ang kongreso sa Hunyo a-3.