Magko-convene ang Senado sa susunod na taon bilang Constituent Assembly o Con-Ass kasama ang House of Representatives.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, ito’y upang mabuo na ang mga ikakasang pagbabago sa 1987 Constitution.
Sinabi ni Pimentel na umaasa siyang maisusumite na ang mga constitutional amendments bago mag-Hunyo sa susunod na taon.
Bagama’t mas gusto umano ng Pangulong Duterte at ng mas maraming mambabatas ang Con-Ass, sinabi ni Pimentel na pinakamaganda ring opsyon ang Constitutional Convention o Con-Con.
By Jelbert Perdez