Nag-draft na ng rules ang mga opisyal ng Senado at Kamara para sa isasagawang special session bukas kaugnay sa posibleng extension ng Martial Law sa Mindanao.
Pinangunahan nina Senate Secretary Lutgardo Barbo at House Secretary General Cesar Pareja ang nasabing pulong sa Batasang Pambansa.
Sinabi ni Pareja na may mga isinusulong silang panuntunan at bahala na aniya ang mga senador at kongresista kung aaprubahan ang mga nai-draft nilang rules.
Bahala na rin aniya ang mga mambabatas na magpasya kung ano ang magiging paraan ng pagboto , kung nominal o sa pamamagitan nang pagtataas ng kamay.
Ipinabatid naman ni Barbo na pagsasamahin ang bilang ng mga senador at kongresista bago itakda kung ilan ang majority vote.
Sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ang mangunguna sa special session.
By Judith Larino
Mga panuntunan para sa joint session ng Kongreso kasado na was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882