Balik sesyon na ang Senado ngayong Huwebes matapos maantala ng tatlong araw dahil sa ASEAN Summit.
Target ng mga senador na tapusin sa loob ng dalawang araw o simula ngayong Huwebes hanggang Biyernes ang deliberasyon o period of interpellation sa 2018 Proposed National Budget.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kung kailangan ay hanggang gabi sila magse-sesyon para tapusin ang period of interpellation.
Simula naman sa Lunes hanggang Miyerkules ay tatapusin nila ang period of amendment at pagpapasa sa budget sa third and final reading.
Isusunod na aaprubahan ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN pagtapos maipasa ang 2018 budget.