Handa ang Senado na bilisan ang pagpapasa ng panukalang batas na magpapaliban pansamantala sa pagtataas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.
Ayon ito kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III matapos paboran ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalban sa pagpapatupad ng increase sa PhilHealth contribution.
Bagamat nakapaloob sa Universal Health Care Law, naniniwala ang pangulo na hindi angkop sa panahong ito ang dagdag na gastusin sa publiko dahil nahaharap pa ang bansa sa pandemya.
Samantala bukas naman si Senate Protempore Ralph Recto na amiyendahan ang isinumite niyang Bayanihan 3.
Sinabi ni Recto na kumporme siya sa panukalang maglagay ng probisyon sa Bayanihan 3 na naglalayong kanselahin muna ang nakatakdang pagtataas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng philhealth ngayong taon. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)