Bubuo ng technical working group ang Senado para sa ikakasang Charter Change o cha-cha matapos ang pagpapalit ng sistema tungo sa federal form of government.
Ayon kay Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III, ang pagbuo ng naturang grupo ay inaprubahan ng Senado sa isinagawang caucus ng liderato ng Senado.
Priority ng technical working group ang pag aaral sa pinaka epektibong paraan na gagamitin sa Cha-Cha – kung ito ba ay sa pamamagitan ng Con-Con o (Constitutional Convention) o Con-Ass o (Constituent Assembly).
Una nang lumutang ang posibilidad na Con-Ass ang gamiting paraan sa Cha-Cha dahil mas mura ito kumpara sa Con-Con dahil ang mga kongresista na ang tatayong assemblymen na babanglangkas ng sa bagong konstitusyon.
Ang Cha-Cha ay kasama sa tatlumput anim (36) na priority bills ng senado para sa unang dalawang quarter ng second regular session ng 17th Congress na hanggang Disyembre 15.
- Judith Estarada – Larino
Pag-amyenda sa konstitusyon gumulong na sa Senado was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882