Bukas ang Senado para sa debate kaugnay ng isinusulong na pagbuhay sa parusang bitay.
Ito ang inihayag ni Senate President Aquilino Pimentel III kasunod ng sinasabing mataas na bilang ng mga sumusuporta sa muling pagpapatupad ng death penalty.
Ayon kay Pimentel, nauunawaan niya na mahalagang pag-usapan o pagdebatehang mabuti ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa pagpapanumbalik sa parusang kamatayan.
Lima na umano sa 24 na senador ang tutol sa death penalty habang undecided naman si Pimentel dahil maging ang PDP-Laban ay hati sa naturang usapin.
Matatandaang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang anim na death convicts ang nais niyang maisalang sa bitayan sakaling lumusot ang death penalty bill.
Giit naman ni Senator Grace Poe, ikinukonsidera niya ito pero mas nais niyang magkaroon muna ng reporma sa judicial system sa bansa.
By Jelbert Perdez